Makabagong teknolohiya para makatipid sa kuryente, susubukan sa Maynila

Thursday, 14 April 2011

 

Masusubukan ng 150 pamilya sa Baseco Compound sa Maynila ang solar bottle bulb na itinuturo ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Manila Mayor Alfredo Lim na ipatutupad ito sa mga depressed area sa lungsod upang lumiwanag ang mga tahanan ng mga walang kuryente.

Kahit simple aniyang mamamayan ay makakagawa ng solar-bulb gamit ang bote, tubig at chlorox na seselyuhan lamang at ilalagay sa bubungan.

Wala pang P100 ang gastos kada solar bottle bulb at makakatipid ng P300 sa kuryente.

Inatasan na rin ang Manila City Engineers Office na makipagtulungan sa mga residente ng Baseco Compound at Isla Puting Bato para sa pagpapatupad ng bagong teknolohiya. Report from Ricky Velasco, Radyo Patrol 39

 

Source: http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/14400/Makabagong-teknolohiya-para-makatipid-sa-kuryente-susubukan-sa-Maynila.aspx